Tagalog- Vancouver Coastal Health "2022/23 Impact Report" Translation Quality Survey
Karangalan naming mangalaga sa mahigit sa 1.25 milyong British Columbians sa buong Vancouver Coastal Health (VCH) service area. Bilang isang organisasyon, patuloy kaming nagsisikap na makakuha ng mga mas mahusay na resulta habang nagbibigay kami ng ligtas at mahusay na pangangalaga. Isinagawa ang 2022/23 Ulat Tungkol sa Epekto / Impact Report upang ibahagi sa aming mga komunidad ang ilan sa aming mga nagawa sa taóng ito.
Isinalin namin ang report ng taóng ito sa pitong wikang sinasalita sa buong VCH service area, at nais naming malaman ang inyong mga puna at feedback tungkol sa kalidad ng mga translation. Ang survey na ito ay aabutin nang mga 30 segundo upang makompleto.